Kinilala ang biktima na si Joven Poblete, 41 taong gulang na tricycle driver, at residente ng Marikina City.
Napag-alaman na bukod sa pamamasada ng tricycle ay isang police asset si Poblete na siyang nagtuturo sa mga otoridad kung sinu-sino ang mga drug suspects sa kanilang lugar.
Samantala, kasalukuyan pang nagsasagawa ng karagdagang imbestigasyon ang Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit upang malaman ang motibo sa pagpaslang kay Poblete at malaman kung sino ang nasa likod ng naturang insidente.
MOST READ
LATEST STORIES