SWS survey: PNP nasa likod ng pagpatay sa mga drug personalities

By Rohanissa Abbas September 27, 2017 - 04:45 PM

Radyo Inquirer

Hindi pinaniniwalaan ng mas nakararaming Pinoy ang mga ulat ng pulisya na nanlaban ang mga hinihinalang suspek na napatay sa mga operasyon kontra droga.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), umaabot sa 54% ng mga Pilipino ang naniniwalang marami sa mga napatay ng mga pulis sa kampanya kontra droga ay hindi nanlaban.

Sa naturang bilang, karamihan sa mga ito ay nagmula sa Metro Manila na binubuo ng 63% na sinundan ng Luzon sa 56%, at Visayas at Mindanao na may 49%.

Ang survey ay isinagawa ng SWS noong June 23 hanggang 26 sa 1,200 respondents.

TAGS: anti-drugs, ejk, PNP, survey, anti-drugs, ejk, PNP, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.