WATCH: Dating SBMA Chair Martin Dino naglabas ng hinaing sa pagkakatanggal sa kaniya sa puwesto

By Ricky Brozas September 27, 2017 - 01:01 PM

Kuha ni Ricky Brozas

Isang araw matapos siyang maalis sa puwesto bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority ay nagpatawag ng pulong-balitaan sa Maynila si Martin Diño.

Kasama ang mga opisyal ng VACC ay sinabi ni Diño, ang matinding black propaganda laban sa kanya ng aniya’y mga tiwaling opisyal ng SBMA ang nagtagumpay para siya ay palitan sa puwesto ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Diño, batid naman na niya na siya ay mapapalitan sa puwesto pero aminado siya na nasaktan siya sa desisyon ng Malakanyang kung saan hindi man lamang umano siya binigyan ng kopya ng Executive Order na siya ay pinalitan na.

Malinaw umano para sa kanya na ang pagtanggi niya sa mga suhol mula sa mga locator sa subic at paglaban niya sa katiwalian sa SBMA ang dahilan kung bakit siya trinabaho para maalis sa posisyon.

Pero sa kabila ng nangyari umano sa kanya ay mataas pa rin ang kanyang pananalig sa pangulo.

Tila isinumbat naman ni Diño na sa loob ng 11 buwan niya sa posisyon ay hindi umano siya tumanggap ng sweldo sa SBMA kundi per diem lamang sa tuwing siya ay may pulong sa labas ng ahensiya.

Samantala, sinabi naman ni VACC founding Chairman Dante Jimenez na inusisa muna nila kung nasangkot sa katiwalian si Diño dahil sila na mismo ang magsasampa ng kaso laban dito.

Pero batay aniya sa kanilang pag-uusisa ay wala naman itong nakabinbing asunto na may kaugnayan sa katiwalian.

 

 

 

 

 

TAGS: Martin Diño, Radyo Inquirer, sbma, Martin Diño, Radyo Inquirer, sbma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.