Bilang ng mga nasawing terorista sa Marawi, umabot na sa 711
Lumobo pa ang bilang ng mga nasawing miyembro ng ISIS inspired terrorist group sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Lt. Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Task Group Ranao, sa ika-128 araw ng bakbakan, malaki-laki ang nadagdag sa bilang ng mga nasawing terorista.
Ani Brawner, marami kasi sa mga miyembro ng ISIS inspired Maute ay nagtatangkang tumakas mula sa main battle area.
Dahil sa kanilang pagtatangkang makatakas, nalalantad naman sila sa mga snipper ng militar.
“We noticed that the enemy forces are now trying to escape from the main battle area, marami na po ang tumatakas, that is why they cannot help but to expose themselves from the government sniper fires,” ayon kay Brawner.
Patuloy din aniyang lumiliit ang lugar na pinagkukutaan ng mga kalaban.
Sa panig naman ng militar, nasa 152 na ang killed in action.
Tuloy-tuloy naman ayon kay Brawner ang pag-atake ng tropa ng pamahalaan para tuluyan nang mabawi ang Marawi City.
Sinabi ni Brawner na ginagawa ng mga tropa ng militar ang lahat para mas mapaaga pa ang pagtatapos ng gulo sa Marawi mula sa target na 10 hanggang 15 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.