Publiko, hinikayat ng NDRRMC na makibahagi sa 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill

By Chona Yu, Mark Gene Makalalad September 27, 2017 - 10:57 AM

Radyo Inquirer File Photo | Isa Umali

Makaraang mapurnada noong nakaraang linggo, tuloy na tuloy na ngayong araw ang 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill.

Dahil dito, patuloy ang paghikayat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na maki-duck, cover and hold alas 2:00 ng hapon.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, sa strike gymnasium sa Bacoor, Cavite ang sentro ng drill na pangungunahan ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Habang dito naman sa Metro Manila, sa Sandiganbayan ang pilot area.

Layon aniya ng naturang drill na ihanda ang publiko sa pagtama ng malakas na lindol sa bansa.

Matatandan na iniurong noong Sept. 21 ang earthquake drill matapos magsuspinde ng klase at trabaho sa gobyerno si Pangulong Duterte para sa national day of protest.

Samantala, umapela naman Malakanyang sa publiko na seryosohin ang nationwide earthquake drill.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar mahalaga ang kahandaan sa anumang sakuna.

Iginiit ni Andanar na mas maganda na mapaghandaan ng mga residente ang inaasahang paggalaw ng west valley fault, nakatira man sila malapit o malayo sa fault system.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bacoor Cavite, earthquake drill, Radyo Inquirer, Bacoor Cavite, earthquake drill, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.