Oplan Greyhound, isinagawa sa Quezon City Jail, sampu’t saring kontrabando ang nasabat

Samu’t saring mga konrabando ang nasabat sa isinagawang Oplan Greyhound sa Quezon City Jail.

Ayon kay Jail Supt. Emerlito Moral, jail warden sa bilangguan, isinagawa nila ang pag-galugad sa mga selda ng mga kwerna o ang mga presong walang kinabibilangang grupo o gang.

Nakuha mula sa mga preso ang mga cellphone charger, improvised bladed weapons, mga gunting, martilyo, lagare, mga lighter at sigarilyo.

Ilan sa mga nasabat na lighter ay hinihinalang ginagamit ng mga preso bilang drug paraphernalia pero wala namang nakuhang shabu mula sa mga bilanggo.

Sinabi ni Moral na magtutuloy-tuloy ang pagsasagawa nila ng Oplan Greyhound sa mga selda sa QC jail.

 

 

Read more...