Aksidente sa C5-Ortigas flyover nagdulot ng magdamag na traffic

c5 file
FILE PHOTO

Isa ang sugatan matapos banggain ng isang 14-wheeler truck ang mga kasalubong nitong sasakyan sa C5-Ortigas Flyover kagabi.

Binabagtas ng truck na puno ng graba ang southbound lane Ortigas flyover ng mawalan umano ng preno at pumakabila sa kalsada.

Binangga ng truck ang isang delivery van, trailer truck at kotse. Sugatan ang driver ng kotse na agad isinugod sa ospital.

Wasak na wasak ang bungad ng 14 wheeler truck na hindi agad naialis sa lugar dahil sa mga karga nitong graba.

Alas 10:30 pa ng gabi naganap ang aksidente pero inabot ng umaga ang naidulot nitong traffic.

Katunayan alas 5:30 na ng umaga ay nasa Market Market pa rin ang tail end ng traffic sa Northbound ng C5.

Naapektuhan din ang daloy ng trapiko ang southbound lane, dahil bumabagal ang daloy ng traffic pagsapit sa pinangyarihan ng aksidente.

Ayon sa metrobase ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bago mag alas 6:00 na ng umaga ng maialis sa flyover ang truck.

Read more...