Notorious illegal recruiter, arestado ng CIDG sa Makati
Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Transnational Crime Unit ang isang notorious na babaeng illegal recruiter sa Walter Mart, Makati.
Nakilala ang naaresto na si Rosalie Martin Fadera, residente ng Pulo, San Rafael, Bulacan.
Ayon sa CIDG, inilunsad nila ang sting operations makaraang makatanggap sila ng reklamo na nanghihingi umano ng P100,000 ang suspek para sa processing fee ng mga aplikante para sa kanilang trabaho sa Japan.
Nakipag-ugnayan ang mga biktima sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at nang napag-alaman na hindi pala lisensyadong recruiter si Fadera ay isinumbong na ito sa PNP.
“@dzIQ990: Notorious Illegal recruiter, arestado ng CIDG sa Makati | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/kFmDRvvV2b”
— Albert Guerrero (@paxon_pro) September 27, 2017
Sa operasyon na isinagawa ng CIDG, huli sa akto ang pagtanggap ng P50,000 ang recruiter.
Mahaharap naman ang illegal recruiter sa kasong paglabag sa RA 8042 and article 315 na mas kilalang migrant workers act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.