Presyo ng harina, muling tumaas

By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2017 - 06:42 AM

Sa ikalawang pagkakataon muling nagpatupad ng dagdag sa presyo ng harina ang mga flour miller.

Dahil sa pagtaas ng presyo ng harina, pinangangambahang maaapektuhan din nito ang halaga ng tinapay at iba pang produktong ginagamitan ng harina.

Nasa P20 hanggang P30 ang itinaas ng bawat sako ng harina sa merkado.

Ayon sa Philippine Association of Flour Millers, epekto pa ito ng naging paghina ng produksyon ng trigo noong Hulyo.

Binabantayan naman na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang halaga ng Pinoy Tasty, pandesal at iba pang produkto na ginagamitan ng harina gaya ng noodles, cake, pasta at pastries.

Balak din ng DTI na ipatawag ang flour millers para pagpaliwanagin sa ipinataw na dagdag-presyo sa harina.

Kinakailangan umanong mai-justify nila na talagang karapat-dapat at risonable ang pagtataas ng presyo.

 

 

 

 

 

 

TAGS: bread, dti, flour, price of flour, Radyo Inquirer, bread, dti, flour, price of flour, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.