Huling lamay para kay Atio Castillo, dinagsa ng mga kaanak at kaibigan

By Jay Dones September 27, 2017 - 04:02 AM

 

Dinagsa ng mga kaanak, kaibigan at mga taong nais makiramay ang huling gabi ng lamay para sa UST law student na namatay sa hazing na si Horacio ‘Atio’ Castillo III sa Makati City.

Naging bahagi ng huling gabi ng burol ay ang ‘eulogy’ ng kanyang mga kamag-anak at mga malalapit na kaibigan na inialay kay ‘Atio’.

Panawagan ng mga ito, tuluyan nang itigil ang hazing sa mga fraternity na nagiging mitsa ng walang saysay na pagbubuwis ng buhay ng mga inosenteng tao.

Samantala, patuloy ang paghingi ng hustisya ng pamilya ni Castillo sa sinapit nito.

Gayunman, todo ang pasasalamat ng pamilya ni Horacio sa suportang ibinibigay ng mga pamilya, kamag-anak at maging ng publiko sa kanilang paghahanap ng hustisya para sa kanilang anak.

Samantala, bago ang nakatakdang libing ngayong araw, isang misa para kay Atio Castillo ang isasagawa sa Sanctuario de San Antonio church sa Forbes park sa Makati dakong alas 2:00 ng hapon.

Pakatapos ng misa, ihahatid sa huling hantungan ang labi ng UST law student sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.