Mga babae, papayagan nang mag-drive sa Saudi Arabia
Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng kaharian ng Saudi Arabia, papayagan na ang mga kababaihan na magmaneho ng mga sasakyan.
Ayon sa ilang state media, nagpalabas na ng proklamasyon ang hari ng Saudi Arabia na si King Salman na magbibigay ng pahintulot sa mga babae na mabigyan ng lisensya at makapag-drive ng mga behikulo.
Ang naturang pagbabago ay inaasahang magsisimula sa buwan ng Hunyo ng susunod na taon.
Kahit noon pa man, mariing ipinagbabawal sa buong Saudi Arabia ang sinumang babae na magmaneho ng anumang uri ng sasakyan o behikulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.