Isinusulong ngayon sa Kamara ang “Safe Hours for Children Act” o ang batas na na magpapataw ng parusa sa mga magulang na papabayaan ang mga anak sa lansangan ng walang sapat na dahilan.
Layon ng panukala na mas maging responsable ang mga magulang sa kaligtasan ng kanilang mga anak.
Sa ilalim ng bill, bawal ang pagtambay, paggala at pagtulog sa lansangan ng mga menor de edad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.
Sakaling maging ganap na batas, sinumang magulang na mapapatunayang lumabag sa ikatlong pagkakataon ay maaaring pagmultahin ng mula 500 hanggang 1,000.
Kung wala namang perang pambayad ay kailangang magcommunity service ng magulang mula 5 hanggang 10 araw.
Ayon kay Quezon City District 4 Rep. Angelina Tan, nais din masiguro ng panukalang batas na hindi magagamit ng mga kriminal ang kabataan sa pang-aabuso.
Papayagan naman ang mga bata sa mga pampublikong lugar sa ilalim ng curfew kung may legal na dahilan tulad ng pag-uwi mula sa school dahil sa late dismissal o gabi na schedule, religious, social, community activities at iba pang awtorisadong gawain.