Alegasyong pagdedeklara ng US ng giyera laban sa NoKor, pinasinungalingan
“Absurd.”
Ganito isinalarawan ng White House ang alegasyon ng North Korea na nagdeklara na ang United States ng giyera laban sa kanilang bansa.
Ito ay matapos ang pahayag ni North Korean Foreign Minister Ri Yong-ho sa media na dapat maalala ng mundo na ang Estados Unidos ang unang nagdeklara ng giyera sa pagitan ng dalawang bansa.
Tugin ito ni Ri Yong-ho sa tweet ni President Donald Trump na kapag nagpatuloy ang pagbabanta ng NoKor ay hindi na sila magtatagal pa, na kalauna’y iba ang naging kahulugan para sa NoKor.
Ngunit ayon kay White House Press Secretary Sarah Sanders, nananatiling layunin ng US na matigil ang “nuclearization” ng NoKor sa mapayapang paraan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.