Ayon kay Bello, maaring magkaroon ng negatibong epekto sa planong pagpapatuloy ng peace talks ang nangyaring engkwentro doon noong Linggo.
Gayunman, sinabi ng kalihim na sa ngayon ay may mas malaking posibilidad nang matuloy ang peace talks ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Aniya, bagaman hindi pa niya nakakausap ang pangulo, narinig niya ang mga pahayag nito na bukas na siyang muli sa pakikipagnegosasyon at ganoon din ng NDFP.
Ngunit aminado si Bello na nangangamba siyang baka mag-bago ulit ang isip ni Pangulong Duterte dahil sa mga nangyari sa Batangas.
Matatandaang isang rebelde ang nasawi sa bakbakan, habang maraming iba pa sa kanilang panig ang nasugatan.
Isang sundalo rin ang nasugatan dahil sa engkwentro.