Peace talks, lalong mabibitin dahil sa engkwentro sa Batangas

By Kabie Aenlle September 27, 2017 - 04:12 AM

 

Naniniwala si government peace panel chief negotiator at Labor Sec. Silvestre Bello III na may epekto sa posibilidad ng pagpapatuloy ng peace talks, ang bakbakan sa pagitan ng New People’s Army (NPA) ang mga sundalo sa Batangas.

Ayon kay Bello, maaring magkaroon ng negatibong epekto sa planong pagpapatuloy ng peace talks ang nangyaring engkwentro doon noong Linggo.

Gayunman, sinabi ng kalihim na sa ngayon ay may mas malaking posibilidad nang matuloy ang peace talks ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Aniya, bagaman hindi pa niya nakakausap ang pangulo, narinig niya ang mga pahayag nito na bukas na siyang muli sa pakikipagnegosasyon at ganoon din ng NDFP.

Ngunit aminado si Bello na nangangamba siyang baka mag-bago ulit ang isip ni Pangulong Duterte dahil sa mga nangyari sa Batangas.

Matatandaang isang rebelde ang nasawi sa bakbakan, habang maraming iba pa sa kanilang panig ang nasugatan.

Isang sundalo rin ang nasugatan dahil sa engkwentro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.