Giit ni Sen. Grace Poe, oras na manilbihan sa gobyerno ang isang tao, binibitiwan na nito ang kaniyang right to privacy.
Hindi aniya makatwiran na gamitin ang Data Privacy Act para itago ang ilang bahagi ng SALN, tulad na lamang ng acquisition costs of properties.
Mali aniya ito dahil kaya nga nagkaroon ng Freedom of Information sa ehekutibong sangay ng gobyerno ay para mailahad nang tapat ang kanilang mga SALN.
Noong Lunes lang ay naghain ng resolusyon si Sen. Antonio Trillanes IV para imbestigahan ng Senado ang mga nasabing redactions sa SALN.
Ani Trillanes, dapat alamin kung may nilabag na batas ang Ehekutibo tungkol dito, dahil mismong ang kautusan tungkol sa FOI ay hindi na nila nasunod.
Maging si Sen. Sonny Angara ay hindi sang-ayon dito, habang si Sen. Franklin Drilon naman ay naniniwalang dapat i-revisit ang SALN law para maging malinaw kung tama ba ang gawing dahilan ang privacy.