Pagtugon sa hijacking, naging tampok ng ‘ Tempest Wind’ 2017

 

Sumentro sa pagresponde sa aircraft hijacking ang pagsasanay kontra terorismo ng Pilipinas at United States na tinawag na ‘Tempest Wind’.

Sa Joint briefing nina U.S. Ambassador Sung Kim at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa National Defense College, ipinagmalaki ng parehong kampo ang mas pinaigting na pagsasanay ng 2 bansa na magagamit sa panahon ng krisis at paglaban sa mga terorista.

Ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong, sadyang hindi nila pinaalam ang nangyaring drill na ginawa noong September 20 na tumagal ng 3 araw para matiyak ang katagumpayan nito.

Nabatid kasi na maaring maapektuhan ng magiging resulta ng tempest wind kung malalaman ito ng mga media.

Dagdag pa ni Andolong, nasa 1,200 ang kabuuang nakibahagi sa Tempest Wind kung saan may kunwaring ISIS na nang-hijack sa eroplano.

Samantala, sinabi naman ni Amb. Kim na wala silang plano na gawing taun-taon ang Tempest Wind dahil ginawa lamang ito ng Pilipinas at US para makakuha ng istratehiya at bagong kaalaman na posible nilang ma-incorporate sa mga aktibidad kagaya ng Balikatan./Mark Makalalad

Excerpt: Ipinagmalaki ng parehong kampo ang mas pinaigting na pagsasanay na magagamit sa paglaban sa mga terorista.

Read more...