Judge sa Surigao Del Norte, sinibak dahil sa pambababae
Sinibak sa tungkulin ng Korte Suprema ang isang Presiding Judge ng Municipal Circuit Trial Court ng Surigao Del Norte dahil sa pambabae at pagdadala ng M-16 armalite rifle na nakunan pa ng video.
Base sa 21-pahinang desisyon ng SC na may petsang July 25, 2017, napatunayan nilang guilty si Presiding Judge Exequil L. Dagala ng MCTC, Dapa-Socorro, Dapa, Surigao Del Norte sa usapin ng immorality at gross misconduct.
Kaakibat sa desisyon ng Korte Suprema, hindi na maari pang humawak ng anomang pwesto sa gobyerno si Dagala.
Maliban pa sa pagbawi sa retirement benefits at iba pang benepisyso ni Dagala.
Ang pagkakasibak sa tungkulin kay Dagala dahil sa isang anonymous letter-complaint na isinampa sa Office of Ombudsman noong 2015 mula sa isang residente ng San Isidro, Siargo Island, Surigao Del Norte.
Ang pakikipag-away ni Judge Dagala dahil sa lupa sa kanyang kapitbahay dala ang isang M-16 ay nasaksihan ng marami.
Si Dagala ay minsan pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagiging protektor umano ng bawal na gamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.