Chinese national, patay sa pamamaril matapos dumalo sa court hearing sa Alabang

By Jong Manlapaz September 26, 2017 - 09:05 PM

Patay ang isang Chinese national matapos pagbabarilin ilang minuto makaraang siyang maghain ng piyansya sa kaso nitong paglabag sa RA 9165 o pagtutulak ng bawal na gamot.

Kinilala ni Las Pinas City Police Chief Police Sr. Dupt. Marion Balonglong, ang bikitma na si Lee Yu Xin alyas Alex, Francis Lee na naglalakad sa Alabang-Zapote Rd ng lapitan ng may apat na suspek na armado ng baril.

Si Lee ay katatapos lang dumalo sa court hearing nito at kanina lang din siya pinayagan ng korte na makapaghain ng piyansya sa kaso nitong pagtutulak ng bawal na gamot na isang non bailable.

Paglabas ng compound ng Las Piñas City Hall dito na nilapitan ng mga armadong mga suspek ang biktima saka pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP sa kaso.

TAGS: Alabang, chinese national, las pinas, Alabang, chinese national, las pinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.