6 na miyembro ng Aegis Juris, pinangalan ni Solano na may kinalaman pagkamatay ni Castillo

By Rod Lagusad September 26, 2017 - 07:33 PM

Pinangalan ni John Paul Solano ang nasa anim na miyembro ng Aegis Juris Fraternity at isa pang indibidwal na may kinalaman sa pagkamatay ng 1st year Law student ng UST na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, binanggit ni Solano ang mga ito sa isinagawang executive session pagkatapos ng pagdinig ng Senado kagabi.

Kasama din sa naturang executive session sina Senators Panfilo Lacson, Bam Aquino at Sherwin Gatchalian.

Aniya sinabi ni Solano na apat sa anim na miyembro ng frat ang sumama sa kanya para dalhin si Castillo si Chinese General Hospital habang isa lang ang sumama sa loob ng ospital.

Sinabi din Zubiri na bukas si Solano na maging state witness

Ayon kay Subiri si Solano ay committed na kanyang isusumite ang kanyang affidavit at ihayag ito sa publiko matapos ma-settle ang kanyang concern sa Department of Justice (DOJ).

TAGS: aegis juris fraternity, executive session, John Paul Solano, aegis juris fraternity, executive session, John Paul Solano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.