Hinihinalang terorista, hinarang sa NAIA

Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang teroristang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport mula sa Jeddah, Saudi Arabia.

Pagdating sa NAIA ni Abdulpatta Escalon Abubakar ay hinarang ito matapos lumabas sa BI database ng mga hinihinalang terorista sa secondary inspection.

Kabilang din ang naturang pasahero sa listahan ng persons of interest ng Philippine National Police Intelligence Group at United States Embassy sa Manila.

Si Abubakar ay nasa kustodiya na ng PNP para sa kaukulang imbestigasyon.

Hindi naman tinukoy ng mga otoridad kung anong terrorist organization kabilang ang suspek.

 

Read more...