Malacañang, muli isasapubliko ang SALN ng miyembro ng Gabinete
Muling ilalabas ng Malacañang ang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng mga miyembro ng Gabinete nang walang pagkukulang sa mahahalagang impormasyon ukol sa kanilang yaman.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Kris Ablan, isasaad ng Malacañang ang acquisition cost, total assets, total net worth at total liabilities ng mga miyembro ng Gabinete.
Nilinaw naman ng National Privacy Commission Deputy Commissioner Ivy Patdu na hindi dapat binabawasan ang mga impormasyon ukol sa assets, liabilities at net worth ng opisyal.
Aniya, hindi dapat tinanggal sa SALN ang acquisition costs ng mga ari-arian ng ng mga opisyal, gaya ng mga kalihim dahil dapat isapubliko ang mga ito.
Una nang inulat ng Philippine Center for Investigative Jourmalism na hindi isinaad sa SALN ng mga miyembro ng Gabinete ang ilang impormasyon ng yaman ng mga ito, na posible rin umanong labag sa SALN Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.