87 katao, sugatan matapos bumangga ang sinasakyang barko sa rock formation sa Romblon

By Rohanisa Abbas September 26, 2017 - 05:06 PM

Courtesy of MIMAROPA Police

Sugatan ang hindi bababa sa 87 katao makaraang bumangga ang isang pampasaherong barko sa isang rock formation sa Romblon.

Mula sa Odiongan, pumalaot ang M/V Matilde ng Montenegro Shipping Lines patungo sa Romblon, Romblon nang tumama ito sa malaking rock formation sa bahagi ng Calatrava dakong alas-4:30 ng umaga.

Sakay ng barko ang 251 pasahero.

Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, information officer ng MIMAROPA Police, sinabi ng kapitan ng barko na si Bernardino Canapit na nagresulta sa “zero visibility” ang malakas na pag-ulan.

Dagdag ni Tolentino, isinalaysay ng isang tauhan na nagkaroon ng stirring problem o problema sa pagmamaneho ang barko.

Napinsala rin ang hindi bababa sa apat na sasakyan na karga ng barko.

Dinala sa pinakamalapit na opsital sa pantalan ng Romblon Island ang mga biktima.

TAGS: M/V Matilde, rock formation, Romblon, M/V Matilde, rock formation, Romblon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.