Comelec en banc, pinag-uusapan na ang pagpapaliban sa Brgy. at SK elections
Sa kabila na pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gagawin sana sa October 23, tuloy pa rin ang ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa eleksyon.
Ayon kay Commission on Elections Spokesman James Jimenez, nasa mahigit 600 million piraso ng mga balotang naimprenta at halos 600 milyong piso na ang nagagastos ng Comelec para sa paghandaan ang Barangay at SK elections.
Sa ngayon, pinag-uusapan na sa en banc ng Comelec ang mungkahing suspendihin na ang mga aktibidad na may kinalaman sa paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ito ay ang magkasundo na ang Kamara at Senado na ipagpaliban ang Barangay at SK elections at hinihintay na lamang ang pagsang-ayon dito ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.