Martin Diño, sinibak bilang SBMA chairman

Tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Martin Diño bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA.

Sa inilabas ng Malakanyang na bagong apppointment paper, si Wilma Eisma na ang chairperson at administrator ng SBMA.

Una rito, ibinalik ng punong ehekutibo sa administrator ng SBMA ang trabaho at kapangyarihan ng Chairman of the Board of Directors.

Sa Executive Order 42 ni Duterte, ibinabasura na nito ang Executive Order 340 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naghihiwalay sa trabaho ng chairman at administrator ng SBMA.

Nakasaad sa bagong EO, ang administrator ng SBMA ay otomatikong chairman ng Board of Directors.

Si Diño ang chairman ng SBMA Board habang administrator naman si Eisma na naglikha ng tensyon at kalituhan sa kung sino ang tunay na mamumuno at masusunod sa ahensya.

Sa ngayon ay wala panibagong appointment si Diño para sa posibleng bagong posisyon sa Duterte administration, ngunit napapabalita na maaari siyang i-pwesto sa ibang tanggapan.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...