Mga driver ng Grab, isasailalim sa road safety and security training ng PNP-HPG
Isasailalim sa road safety and security training program ng Philippine National Police (PNP) ang mga driver ng Transport Network Service na Grab.
Sa headquarters ng Highway Patrol Group, lumagda sa isang kasunduan ang PNP at Grab para mas mapag-ibayo pa ang serbisyo na kanilang ibinibigay sa publiko.
Sesentro ang training program sa Grab drivers sa road courtesy and traffic safety laws, road crash responder at anti-criminality.
Ayon kay HPG Director Chief Supt. Arnel Escobar, umaasa sila na magiging katuwang nila ang Grab sa pagiging force multiplier sa kalsada.
Kasunod nito kaniyang pinayuhan din ang mga driver ng nasabing TNVS na maging mapanuri sa mga pasahero nila na nagpapadala ng gamit para hindi sila masangkot sa kaso.
Napaulat kasi na ginagamit ang mga ito sa transakstion sa iligal na droga.
Mga driver ng Grab, isinailalim sa road safety and security training ng PNP-HPG I @dzIQ990 pic.twitter.com/HBpsbjlToS
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) September 26, 2017
Grab drivers, pinayuhang maging mapanuri sa mga pasahero na nagpapadala ng gamit para ‘di sila magamit sa illegal drug activitiesI @dzIQ990 pic.twitter.com/u0E54UvFK7
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) September 26, 2017
Samantala, nagbigay naman ng kanyang commitment si Brian Cu, country head ng Grab na makikipagtulungan sila sa PNP at titiyakin na magiging disiplinado ang kanilang mga driver.
Ang training sa mga grab drivers ay isasagawa tuwing Linggo at per batches gagawin kung saan 50 drivers ang isasalang sa umaga training at panibagong 50 drivers naman sa hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.