Muling nakapagtala ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) Martes ng umaga.
Sa abiso sa twitter ng MRT, alas 8:09 ng umaga nang magpababa ng mga pasahero sa Ortigas station southbound.
Itinaas sa category 3 ang status ng biyahe ng MRT dahil isang tren nito ang nakaranas ng technical problem
Agad namang naibalik sa normal ang biyahe, matapos maialis sa lugar ang nasirang tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.