Bilang ng BIFF members na nasawi sa opensiba ng militar sa Mindanao, umabot na sa 62
Umabot na sa 62 ang bilang ng mga nasawi mula sa panig ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) dahil sa mas pinaigting na opensiba ng militar sa Central Mindanao habang 9 na iba pa ang arestado ng mga militar.
Maliban dito, umaabot na rin sa 28 improvised explosive device at 8 firearms ang narerekober ng militar mula ng umusbong ang bakbakan sa Maguindanao.
Base pa sa datos ng militar, simula naman Pebrero 20 hanggang Setyembre ay nasa 41 BIFF ang napatay habang 21 naman ang sugatan sa joint security operations ng AFP troops at Moro Islamic Liberation Front laban sa paksyon ng BIFF sa ilalim ng pamumuno ni Esmael Abdul Malik alyas Abu Toraype.
Ayon kay MGen. Arnel Dela Vega, commander ng JTF Central Mindanao, ilan sa mga lugar na sinuyod ng operating team ay ang munisipalidad ng Shariff Saydona Mustapha at Datu Salibu.
Ideneploy na rin aniya nila ang kanilang air assets upang magsagawa ng aeral strikes partikular sa mga lugar na pinagkukutaan ng kalaban at para na rin mag conduct ng close air support sa MILF sa barangay Damablac at Talayan Maguinanao.
Samantala, sinabi naman ni Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. commander ng Wesmincom, pipilitin nilang i-sustain ang kanilang operational momentum sa sa Central Mindanao at magtutuloy-tuloy aniya ang kanilang alyansa ng MILF upang tuluyan ng matalo ang pwersa ng BIFF.
Sa ngayon, umabot naman sa 20 MILF ang napatay habang 41 ang nasugatan simula ng mag-umpisa ang bakbakan.
Naitala naman sa 7 sundalo ang nasugatan kaugnay ng security campaign sa Maguindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.