Palasyo: Salalima, dapat patunayan ang mga katiwalian umano sa DICT
Hinamon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella si Rodolfo Salalima na ibunyag ang katotohanan tungkol sa sinasabi niyang pamamayagpag ng katiwalian sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Matatandaang nagbitiw sa pwesto si Salalima dahil sa aniya’y pangingialam sa kaniyang tungkulin at sa katiwaliang nagaganap sa kagawaran.
Ayon kay Abella, dapat na patunayan ni Salalima ang kaniyang pahayag, lalo’t interesado rin si Pangulong Duterte na malaman ang tungkol dito.
Giit ni Abella, kung mayroon talagang nangyayaring nakababahala sa DICT, dapat itong alamin at masiyasat.
Samantala, sa ngayon aniya ay naghahanap na ang presidente ng papalit kay Salalima, at ang hinahanap aniya nito ay isang taong kaniyang mapagkakatiwalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.