Pagpatay sa 13-anyos, posibleng kaso ng ‘mistaken identity’
Sinisilip ng pamunuan ng Pasay City Police at NCRPO ang posibilidad na napakamalan lamang o kaso ng mistaken identity ang dahilan ng pagpatay ng hindi pa nakikilalang salarin sa isang trese anyos na binatilyo sa Tramo, Pasay City kamakalawa.
Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, may ilang kapatid ang biktimang si Jayross Brondial na una nang nasangkot sa serye ng krimen sa lungsod ng Makati.
Katunayan aniya, ang isa sa kapatid ng biktima ay napatay ng mga pulis sa isang encounter sa Makati noong February 2017.
Ayon naman kay Police Supt Dionisio Bartolome, may isa pang lalakeng nakapwesto sa lugar kung saan binaril ang binatilyo bago ito umupo sa lugar kung saan siya pinagbabaril.
Diumano, ang naturang lalake ang siyang kilalang drug personality sa kanilang lugar.
Sa ngayon, isang team na mula sa Pasay police ang nangunguna sa imbestigasyon sa pagpaslang sa biktimang si Jayross Brondial.
Si Brondial ay pinagbabaril ng nakamotorsiklong suspek habang nakaupo sa kanto ng Tramo at Inocentes St., Pasay City, Linggo ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.