Taguba at 2 iba pa, ipinababasura ang kasong drug smuggling laban sa kanila

By Kabie Aenlle September 26, 2017 - 02:18 AM

 

Tumugon na ang customs broker na si Mark Taguba at dalawang iba pa sa mga kasong drug smuggling na isinampa laban sa kanila ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa pagpapatuloy ng preliminary investigation, isinumite nina Taguba, customs broker Teejay Marcellana at negosyanteng si Chen Ju Long na kilala rin bilang Richard Tan at Richard Chen ang kanilang mga counter-affidavits sa panel of prosecutors.

Itinanggi ng mga nasabing respondents ang mga alegasyong ibinabato laban sa kanila at humiling na maibasura ang kaso.

Ayon kasi sa NBI, responsable sila sa pag-aangkat ng iligal na droga mula sa China na kalaunan ay nadiskubre ng mga otoridad sa loob ng warehouse sa Valenzuela City na pag-aari ni Richard Chen.

Samantala, inihahanda na ng Department of Justice (DOJ) ang pag-consolidate sa mga kasong isinampa ng NBI at ang drug trafficking case din na isinampa naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito’y upang maiwasan ang magkaibang desisyon sa mga reklamo lalo na’t magkapareho lang naman ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.