Palasyo, bukas na maimbestigahan ang mga redacted SALN

By Kabie Aenlle September 26, 2017 - 04:15 AM

 

Walang problema sa Palasyo kung paiimbestigahan ang redaction o pagtatago ng ilang bahagi o detalye ng mga Statements of Assets, Liabilities, and Net worth (SALNs) ng mga miyembro ng Gabinete.

Ito’y sa kabila pa ng paggiit ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ginawa ito para sa privacy ng mga opisyal at na pinapayagan naman ito sa ilalim ng batas.

Gayunman, kung may kailangang isagawang imbestigasyon tungkol dito, maari naman itong gawin lalo na kung ito ay kasuspe-suspetya.

Dagdag pa ni Abella, ang summarized amounts naman sa mga SALNs ng ilang mga miyembro ng Gabinete ay sapat na base sa nakasaad sa batas.

Aniya pa, nagkaroon naman ng full disclosure sa mga summarized amounts.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.