Nalubog sa tubig baha ang ilang mga lugar sa Metro Manila makaraang makaranas ng malakas at biglaang pag-ulan Lunes ng hapon.
Pasado alas dos ng hapon nang makaranas ng thunderstorm ang mga lugar ng Quezon City, Maynila, Pasay at ilan pang mga lugar sa kalakhang Maynila at karatig lalawigan na tumagal lamang ng mahigit sa isang oras.
Gayunman, dahil sa at malakas na buhos ng ulan, ilan sa mga lansangan sa Quezon City ang nalubog sa mula gutter deep hanggang sa lampas bewang na baha.
Lumutang ang ilang sasakyan na naabutan ng biglang taas ng tubig-baha sa kahabaan ng Mother Ignacia Ave., samantalang lampas kalahati ng gulong ng sasakyan ang baha sa may Tomas Morato sa QC.
Gutter deep naman hanggang kalahati ng gulong ang tubig sa may Santolan EDSA, Quezon Avenue underpass at maging sa Lacson-España Blvd. / Jay Dones
Ilang oras ring bumigat ang daloy ng trapiko sa mga nabanggit na lugar dahil sa baha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.