Ex-HPG Central Luzon chief at anak nito, patay sa pananambang sa Bataan.

By Jay Dones September 26, 2017 - 04:13 AM

 

Patay ang dating hepe ng PNP-Highway Patrol Group sa Central Luzon at anak nito matapos silang paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa Mariveles, Bataan, Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Napoleon Cauayan, retiradong hepe ng HPG-Central Luzon at ang 21-anyos na anak nito na si Napoleon Christopher.

Sa inisyal na imbestigasyon, magkasamang dumating sa isang sabungan sa bayan ng Mariveles ang mag-ama, lulan ng isang pribadong sasakyan.

Matapos iparada ang sasakyan, magkasabay na naglakad ang mag-ama papasok ng sabungan.

Gayunman, ilang hakbang pa lamang mula sa sasakyan ay bigla na lamang pinaulanan ng bala ng hindi bababa sa tatlong armadong salarin ang mga biktima.

Nang tuluyang bumulagta ang mga biktima, ay tuluyang tumakas ang mga gunman.

Nagpapatuloy ang pagkalap ng ebidensya ng mga imbestigador sa pagkakakilanlan ng mga salarin at posibleng mastermind sa pagpatay sa mag-ama.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.