Unang naitala ang pamamaril kaninang Palawan St. cor Luzon sa isang lalake.
Maswerte naman ang biktima matapos na hindi mapuruhan kaya nadala pa ang biktima sa Ospital ng Sampaloc at inilipat sa Ospital ng Maynila.
Limang minuto lang ang nakalipas sa hindi kalayuan, isang pamamaril din ang nangyari sa panulukan ng Mindoro st. at G. Tuazon st,, pero ngunit sa pagkakataong ito, ay nasawi ang biktimang mekaniko.
Isa naman ang nasugatan matapos na tamaan ng stray bullet.
Hinala ng mga imbestigador, iisa lang ang may kagagawan ng dalawang insidente ng pamamaril.
Ito’y dahil base sa saksi, parehong riding in tandem ang mga suspek at parehong cal .45 ang ginamit na baril base sa basyong nakuha sa lugar.