Apat na panibagong bihag ng Maute terrorist group ang nailigtas ng tropa ng pamahalaan.
Nakilala ang mga nasagip na sina Lorovin Acopio, Abdul Nasser Mangondaya, Hadji Andullah Baunto at Kiram Datu Ampatua.
Paliwanag ni Lieutenant General Carlito Galvez ng Western Mindanao Command, minabuti nilang huwag agad idetalye kung kailan at paano naisalba ang 4 para na rin sa kapakanan at seguridad ng mga ito.
Si Acopio ay isa sa mga kasama ni Father Chito Suganob nang madukot sila ng mga terorista sa St. Mary’s Cathedral noong Mayo 23, 2017.
Dahil sa panibagong nasagip, papalo na lamang sa ngayon ng mahigit 40 ang natitirang bihag sa Marawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.