Ang half British at half Filipino na unang nakilala sa reality show na Pinoy Big Brother ay may mas malaking oportunidad na tatahakin na ang pamilya nito ay hindi kayang tanggihan.
Ayon sa source, napansin ni Simon Cowell ng X Factor at siyang nasa likod ng grupong One Direction si Bailey.
Dahil dito ay binigyan nito ng tatlong taong kontrata si Bailey na maging bahagi ng isang bagong grupo na tatawaing Now United.
Ang naturang grupo ay binubuo ng 10 miyembro mula sa ibat-ibang bansa. Si Bailey ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa nasabing grupo.
Dagdag pa ng source na bought out na ng management ni Cowell ang kontrata ni Bailey sa ABS-CBN.
MOST READ
LATEST STORIES