Castillo: Ginawa nilang parang hayop si Atio

By Den Macaranas September 25, 2017 - 07:55 PM

Radyo Inquirer

Halos maluha si Horacio Castillo Jr. habang binabasa ang kanyang opening statement kaugnay sa imbestigasyon ng Senado sa pagkamatay sa hazing kanyang anak na si Horacio “Atio” Castillo III.

Sinabi ni Castillo na pinadalo ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity ang kanyang anak sa kanilang welcoming rites at doon ay ginawa itong parang hayop.

Ito ay kung ibabase umano ang mga pinsala sa katawan na tinamo ni Atio mula sa kamay ng kanyang mga kasamahan sa grupo.

Sa kanyang pahayag sa Senado, sinabi ng Aegis Juris Fraternity member na si John Paul Solano na tinawagan lamang siya ng ilan sa kanyang mga kasamahan sa grupo nang mayroon umanong nawalan ng malay tao sa ginagawang welcoming rites.

Hindi umano niya alam na si Castillo ang biktima nang makita niya na wala itong lamay ay kaagad niya itong binigyan ng CPR dahil siya ay isang medical technologist.

Nang mabigong magkamalay ay kaagad daw siyang nagpasya na isugod sa Chinese General Hospital ang biktima.

Taliwas ito sa kanyang naunang pahayag na nakita niya sa Balut. Tondo ang walang malay na si Castillo ay nagmagandang loob lamang sina na dalhin ito sa ospital.

Tumanggi naman si Solano na ibigay ang pangalan ng tumawag sa kanya pati na rin ang mga miyembro ng fraternity na kasama sa nasabing welcoming rights.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado, tiniyak ni Atty. Nilo Divina, pinuno ng UST Faculty of Civil Law at isa sa mga pinuno ng Aegis Juris Fraternity na walang magaganap na cover-up sa kaso ni Atio.

Gayunman ay tumanggi siyang sabihin ang pangalan ng mga kasapi ng fraternity na kasama sa naganap na hazing pati na rin ang mga opisyal ng Aegis Juris.

Ikinatwiran rin ni Divina na walang masama sa pagsali sa mga fraternities pero mali ang pagsasagawa ng hazing.

Sa panig naman ni MPD Director Joel Coronel, kanyang sinabi na malinaw na may pagtatangkang pagtakpan ang kaso ng pagkamatay ni Atio dahil sa naunang pagsisinungaling ni Solano.

Malinaw ayon kay Coronel na may tangakang cover up sa kaso dahil hindi kaagad nakipagtulungan sa kanila ang mga kasapi ng Aegis Juris Fraternity.

TAGS: aegis juris, castillo, divina, hazing, manila, MPD, UST, aegis juris, castillo, divina, hazing, manila, MPD, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.