PNP tiniyak ang patas na imbestigasyon sa pagkamatay ng 2 vietnamese poachers
Maging ang Philippine National Police ay magiging aktibo na rin sa ginagawang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng 2 Vietnamese fishermen na naka engkwentro ng Philippine Navy sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan.
Ito’y upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng dalawang mangingisda na sa ngayon ay iniimbestigahan na Northern Luzon Command, Philippine Navy at Department of Foriegn Affairs.
Sa isinagawang beripikasyon base sa report ni Pangasinan Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Ronald Oliver Lee, kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, ang dalawang nasawing Vietnamese na sina Le Van Liem, 41 anyos at Le Van Reo, 41 anyos.
Inihayag din ni Carlos na sasampahan ng PNP ng kasong kriminal kabilang ang illegal entry at poaching ang limang nasakoteng Vietnamese na nakilalang sina Pham To, 34 , boat captian; Phan Lam, 34; Nguyen Thanh Chi, 49; Phan Van Liem, 41 at Nguyen Van Trong , 41 taong gulang ; pawang nakaditine na sa Bolinao Police Station.
Dagdag pa ng opisyal , nakikipagugnayan na sila sa mga opisyal ng Vietnam upang maibalik sa kanilang bansa ang bangkay ng dalawang Vietnamese.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.