Muling nakaranas ng aberya ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3), Lunes ng umaga.
Isang tren ng MRT ang nagkaroon ng technical problem, dahilan para pababain ang mga pasahero sa Ortigas station Southbound.
Naganap ang aberya alas 8:09 ng umaga na kasagsagan ng rush hour at marami sa mga pasahero ang sumakay ng MRT dahil sa isinasagawang tigil-pasada.
Pinasakay na lang sa kasunod na tren ang mga naapektuhang pasahero.
Habang ang nagkaproblemang tren ay agad dinala sa depot para kumpunihin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.