Fr. Chito Soganub, nakapagdaos na misa matapos makalaya sa pagkakabihag

By Mark Gene Makalalad September 25, 2017 - 09:22 AM

Photo from AFP

Makaraang maisalba sa halos apat na buwang pananatili sa kamay ng Maute terrorist, nakapagdaos na ulit ng misa si Father Chito Soganub.

Kahapon sa loob ng Camp Aguinaldo, pinangunahan si Soganub ang misa na dinaluhan ng nasa 40 military personnel at ilang sibilyan.

Ayon kay Col. Romeo Brawner, commander ng Joint task force Ranao, maituturing na thanksgiving mass ang ginawa ni Soganub na lubos ang kagalakan at pasasalamat dahil ligtas na sya mula sa bakbakan sa Marawi City.

Samantala, nananalangin naman si Soganub na muli siyang makapagdaos ng misa sa St. Mary’s Cathedral oras na matapos ang sigalot sa lugar at ma-clear na ang naturang area sa bomba na gawa ng terorista.

Sa ngayon aabot na sa 1,730 indibidwal ang nasagip ng tropa ng pamahalaan simula nang pumutok ang marawi siege.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, Camp Aguinaldo, chito soganub, concelebrated mass', mass, AFP, Camp Aguinaldo, chito soganub, concelebrated mass', mass

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.