US, nagpatupad ng travel restrictions sa 8 bansa kabilang ang North Korea

Napatupad ng travel restrictions si U.S. President Donald Trump laban sa walong mga bansa.

Kabilang sa pinatawan ng travel restrictions ang North Korea, Chad, Iran, Libya, Somalia, Syria, Venezuela at Yemen.

Ito ay dahil sa pagkakaroon ng banta sa seguridad sa nasabing mga bansa.

Sa proclamation na nilagdaan ni Trump, epektibo ang travel restrictions mula October 18, 2107.

Inalis naman na ang restriction sa mga dayuhan mula sa Sudan.

Sa ilaim ng proklamasyon, ipinagbawal ni Trump ang pag-iisyu ng visa sa lahat ng magmumula sa North Korea at Syria.

Habang sa Iran, ang tanging papayagan lamang ay ang visa para sa mga students at exchange visitors.

Suspendido naman ang pag-iisyu ng immigrant, business at tourist visas sa mga galing sa Chad, Libya at Yemen.

Sa Venezeula, kabilang sa isinama ang pagbabawal sa pag-iisyu ng visa maging sa kanilang mga government officials at sa Somalia, bawal ang pag-iisyu ng immigrant visa habang magpapatupad ng mas mahigpit na pagbusisi para sa iba pang biyahero.

 

 

 

 

 

 

Read more...