Halos buong bansa, makakararanas ng pag-ulan ngayong araw dahil sa LPA
Apektado ng Low Pressure Area ang halos buong bansa ngayong araw.
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 245 kilometers East Southeast ng Hinatuan Surigao Del Sur.
Sa ngayon mababa pa ang tsansa na ito ay maging bagyo.
Ayon sa PAGASA, tatawid ang LPA sa kalupaan ng Visayas at sa West Philippine Sea.
Dahil sa nasabing LPA, ang Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon, Mimaropa, Mindanao, Visayas at ang lalawigan ng Aurora ay makararanas ng hanggang sa malalakas na pag-ulan.
Habang localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.