German Chancellor Angela Merkel, wagi sa kanyang ikaapat na termino

Muling nagwagi si Christian Democratic Union leader, Angela Merkel bilang Chancellor ng Germany.

Ito na ang ikaapat na termino ni Merkel simula nang maupo sa pwesto noong 2005.

Nakuha ng conservative bloc ni Merkel ang 32.5 percent na kabuuan ng boto na nagpahayag na sila ang pinakamalaking parliamentary group sa buong bansa.

Gayunpaman, mas mababa ito sa nakuha ng partido na 41.5 percent noong 2013.

Naging kapansin-pansin naman ang biglang pag-angat ng far-right Alternative for Germany o AfD na nakakuha ng 13.5 percent ng boto na nagbigay daan upang makapasok sila sa parliamentaryo sa kauna-unahang pagkakataon.

Ang pagkapanalo ng AfD ay tinawag ni Berlin leader Georg Pazderski bilang isang “political earthquake”.

Kilala ang AfD sa mga posisyon nito sa anti-immigration at pagtutol sa naging polisiya ni Merkel na buksan ang borders ng bansa sa milyung-milyong migrante partikular sa mga nakararanas ng karahasan sa Middle East.

Read more...