Department of Housing Bill, inaasahang papasa agad sa senado
Naniniwala si Sen. JV Ejercito na madaling maipapasa sa Senado ang panukalang lilikha sa “Department of Human Settlements and Urban Development”.
Layon ng Senate Bill 1578, na maconsolidate at mapag-ibayo ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan maging ang mga nasa pribadong sektor na may kinalaman sa “housing at urban and rural development.”
Ayon kay Ejercito na siya ring chairman ng “urban planning and housing committee”, ang investment na ito sa human settlements at urban development ay magbibigay daan upang bigyang seguridad at kinabukasan ang bawat pamilyang Pilipino.
Dagdag pa niya, isa rin itong paraan upang maipagpatuloy ang gumagandang ekonomiya ng bansa.
Naniniwala ang senador na ang hindi pagkakaroon ng isang kagawaran na titingin at mamumuno sa implementasyon ng mga programang pabahay ay dahilan kung bakit maraming pamilya ang matagal na walang tirahan kapag may kalamidad.
Dito binanggit ni Ejercito ang mga implikasyon na nangyari ng nanalasa ang Super Thyphoon Yolanda, and Zamboaga Siege noong 2013, ang malalakas na lindol at ang patuloy na bakbakan sa Marawi.
Samantala, bukod kay Ejercito, kabilang sa mga may-akda ng panukala ay sina Senators Loren Legarda, Manny Pacquiao, Joel Villanueva, Franklin Drilon at Sherwin Gatchalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.