Petisyon ni Makati Mayor Junjun Binay sa ikalawang suspension order, dedesisyunan na ng Court of Appeals
“Submitted for resolution” na ng Court of Appeals ang petisyong inihain ng kampo ni suspended Makati Mayor Junjun Binay na kumukuwestiyon sa ikalawang preventive suspension order na ipinataw laban sa kanya ng Tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa anomalya sa Makati City Science High School.
Sa dalawang pahinang resolusyon na may petsang September 3, 2015 na isinulat ni Associate Justice Melchor Sadang, idineklara ng CA Special Ninth Division na dedesisyunan na nila ang kaso makaraang mabigo si Binay na magsumite ng Reply Affidavit.
Bigo rin umano ang kampo ni Binay, pati na ang kampo ng iba pang partido kabilang na ang Office of the Ombudsman at DILG na magsumite ng kani-kanilang memorandum.
Ayon sa CA, dahil nagpaso na ang panahon para sa paghahain ng mga nasabing dokumento, lumilitaw na isinuko na ng mga nasabing partido ang kanilang karapatan sa pagsusumite ng mga nasabing pleading.
Sa isinumite namang kumento ng DILG, tinukoy nito na hindi sila dapat isinama sa kaso dahil ministerial lamang naman ang pagsisilbi ng ahensya ng preventive suspension order
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.