35th ASEAN Ministers on Energy Meeting (AMEM), magsisimula ngayong araw

By Rhommel Balasbas September 25, 2017 - 03:36 AM

Matapos ang matagumpay at makabuluhang 11th ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crimes noong nakaraang linggo, magsisimula naman ngayong araw ang 35th ASEAN Ministers on Energy Meeting sa lungsod ng Pasay.

Pamumunuan ng Department of Energy ang nasabing pagpupulong.

Ang tema ng ministerial meeting ngayong taon ay “ONE ASEAN Community to Resilient and Sustainable Energy.”

Sesentro ang diskusyon ng mga kinatawan ng ASEAN Members states sa pagpapalawig sa “sustainable energy”.

Inaasahan din na mailalatag ang mga polisiya upang mapalakas ang ASEAN energy sa international stage.

Umaasa si Energy Secretary Alfonso Cusi na magkakaroon ng healthy discussion ang mga lider ukol sa isyu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.