Kamara, nakatakdang aprubahan ang P3.767 2018 budget bukas
Nakatakda nang ipasa ng mababang kapulungan ang 2018 P3.767-trillion General Appropriations Bill (GAB) o House Bill No. 6215 sa ikatlo at huling pagbasa bukas, Sept. 26.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Davao City Rep. Karlo Nograles, inaasahan nilang agad na maaaprubahan ang 2018 budget matapos maibalik ang pondo ng tatlong komisyon na nauna nang binigyan ng 1,000 pesos na budget.
Ani Nograles, kahit pa nagkakaroon ng problema sa printing ng final version ng 2018 budget ay pipilitin pa rin itong maipasa sa huling pagbasa.
Nagkaroon ng delay sa pagpresenta ng GAB sa final reading dahil sa paghahanap ng mga mambabatas ng pondo na kakailanganin para sa “free higher education law.”
Naglaan ng pinakamalaking budget para sa Department of Education na aabot sa 691 billion pesos.
Ang panukalang 3.767 trilyong pisong 2018 national budget ay mas mataas ng 12.4 percent sa 2017 national budget na 3.35 trillion pesos.
Samantala dahil sa delay na isang linggo, mula sa naunang target date na Novermber 15, ay inaasahang malalagdaan ng pangulo upang maging ganap na batas ang 2018 budget bago o mismong sa Nov. 22, 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.