Ilang miyembro ng Maute sa Marawi, nagpadala na ng surrender feelers

By Mariel Cruz September 24, 2017 - 05:29 PM

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na ilang miyembro ng Maute terror group ang nagpaabot ng kanilang kahandaan na sumuko na sa mga otoridad.

Ayon kay Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Marawi, marami nang Maute members ang nagpadala ng kanilang surrender feelers.

Hindi aniya totoo ang impormasyon na sinabi ng teroristang grupo na lalaban sila hanggang sa kamatayan.

Sinabi ni Brawner na natanggap nila ang mga surrender feeler matapos nilang maglagay ng loud speaker na nakatutok sa main battle at naririnig ng Maute group ang maaari nilang gawin kung nanaisin nilang sumuko.

Lahat aniya ng susuko, combatant man o mahuhuling nakikipagbarilin, ay isasalalim sa medical at psychiatric testing.

Aalamin din aniya nila kung sila ba ay miyembro talaga ng Maute group o napilitan lamang sumali sa grupo.

Batay sa latest data mula sa militar, aabot na sa 694 na Maute members ang napatay sa bakbakan sa Marawi, habang 151 naman sa hanay ng gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.