Game na game na sinagot ng Pangulong Noynoy Aquino ang estado ngayon ng kanyang lovelife sa katatapos lamang na forum na isinagawa ng Inquirer Group of Companies.
Ayon sa presidente, marami-rami na ring mga imposible siyang nagawa kaya ang paghahanap ng mapapangasawa ay magiging madali nang gawing posible.
Sinagot din ng Pangulo ang patungkol sa posibilidad na magkaroon siya ng sariling anak sa hinaharap.
Giit ng Pangulo, dapat ay maghanap muna ng asawa at kasunod na nito ang pag-gawa ng anak.
Dagdag pa 55-year old na bachelor na matagal na rin siyang naghahanap at kung magkakaroon ng #hashtag ang kanyang lovelife, ito ay ang #if you are blessed you will have it.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.